Interview with TagaImus

Bakit Taga Imus ang iyong pen name?
Wala lang, naisip ko kasi mayroon dati Taga Ilog. 'Yung mga bayani... kaya 'hayun pumasok sa isip ko gamitin Taga Imus. Kasi Taga Imus naman talaga ako. Haha.
Kelan ka pa nahilig sa pagsusulat ng kwento?
Grade 4. Mga paborito kong gawin dati bukod sa love story ay fantasy saka horror. Kinahiligan ko ang pagsusulat kasabay ng pagkahilig ko sa pagsasarili. biro lamang.
Ano iyong kauna-unahang kwentong nasulat mo?
Hindi ko na matandaan 'yung pamagat. Ano ata, Rosa Delilah and The Charming Prince...waaaaaaa
Kailan mo pa kinahiligan ang magsulat ng M2M stories?
Nung nakaranas na ako ng sex sa kapwa lalaki. Haha. Eh kung sa babae sana ang first time ko, wala sanang Pulang Diary ngayon. Haha.
Base ba sa karanasan mo lahat ng mga naisusulat mo?
Madalas sa karanasan. Kasi mahirap gumawa ng kwentong hindi mo danas. Sex, drama, suspense. Lahat 'yan naranas ko sa buhay ko. Love, pain, hatred. Pati ang mga yan.
Nakakaapekto ba sa pagsusulat mo ang love life?
Opo. Kasi kapag masyadong malungkot ang love life ko, pinapatay ko 'yung character. Ginagawa kong emosyonal. Niyuyurakan ko ang pagkatao. Binababoy ko ng todo. Ganun. Pero kapag masaya ako,kahit hindi sa love life, asahan mo happy ending ang kwento ko. Haha.
Bakit wala kang picture?
Wala lang, nagpapaka-misteryoso lang kahit hindi naman. Idol ko kasi si Bob Ong.
Paano mo ide-describe ang sarili mo?
Pisikalan ba ito? Haha... ang masasabi ko lang cute ako, dahil 'yun ang sabi ng nanay ko. Haha...

Sa karakter o ugali? masayahin ako pero mararamdaman mo iyon kapag close tayo. Kapag hindi kita ramdam, hindi ko maipapakita 'yung ganoong side ko sa'yo.
Ilang taon ka na ba Taga Imus?
Nakakatakot naman sabihin ang edad. Haha. Basta, pwedeng mag-apply sa akin ang mga single dyan na 18-29 years old. Haha
Kilala ang mga istorya mong punong-puno ng twist? Paano mo naiisip ito?
Hindi ko rin alam. Minsan kahit nakaupo lang ako sa isang tabi o di kaya'y kumakain ng mani, prutas, o kung ano pa...kahit nga kapag nginangata ko ang aking kuko ay bigla ko na lang maiisip na gumawa ng twist sa mga istorya ko. Kumbaga sa isip ko alam ko na ang ending ng story, pero 'yung palabok, saka ko pa lang naiisip 'yun kapag nasa harap na ako mismo ng computer.
Kailan mo ipu-publish ang first book ng Pulang Diary?
Kapag nagkapondo na. Sana nga po'y may mabuting pusong tumulong na ma-self publish ko ang aking mga kwento. Open naman ako for financial support 'wag lang may kapalit na, alam mo na. Haha.
Published 2014-03-16.
Smashwords Interviews are created by the profiled author, publisher or reader.